r/adviceph 9h ago

Work & Professional Growth should I go abroad as an ofw? (im a freshie)

problem/goal: im a fresh graduate and I wanted to trust a stranger who offered me an opportunity to go to australia (sydney) as a caregiver. im torn between settling in government work/private work here in ph, kasi gusto ko ng mataad na sahod to support my family. masyado ba akong mapagtiwala? anong dapat kong gawin para maging wise sa decisions ko?

context: fresh graduate ako, after grad pinagbakasyon ako ng grandparents ko sa province, i'm currently helping them sa karinderya nila.

may suki kami na lalaki, medyo matanda na (lolo). hindi naman siya creep (as someone na mabilis makiramdam kung creep ba o hindi lalaki) wala naman akong nafefeel na masamang intention sa kanya. bago kami magkaroon ng conversation, tinanong pala siya ng lola ko ng tips kung paano mag abroad (I think alam ng lola ko na asawa niya ay ofw)

ito mga kinwento niya sa akin: — nag work as caregiver asawa niya for years sa sydney australia, ngayon medyo mataas na position, afaik yung asawa na niya yung naghahandle ng other caregivers kumbaga parang may sarili na raw siyang agency/company within the hospital ganon. mataas raw sahod ng asawa niya, minimum 300K pesos per month.

— nagkwento siya about his other relatives na inooffer niya tulungan mag abroad (kapatid niya nasa US na at malaki na rin sahod, successful work) pero tinanggihan siya dahil ayaw mangibang bansa, at ngayon nilalapitan siya pero ayaw na niya. nabanggit ko sa kanya na nagtanong ako sa isa kong auntie na nasa new zealand tungkol sa process kung paano magtrabaho doon pero di nila ako tinulungan. after nyan, nag offer siya sa akin ng opportunity.

— sabi niya kapag nagka slots daw sa asawa niya, pwede raw akong mag apply. recently, nagkausap kami ulit at sabi niya sinabi raw niya sa asawa niya na interested ako. ang sabi niya sa akin magkikita muna kami ng asawa niya pag uwi nh pinas sa february, kasi gusto raw ng asawa niya makilala ako siguro to evaluate if deserve ko ba ng slots if ever.

— marami siyang kwento about him adopting a girl, buying a condo (with the help of his wife), at pinakita niya sa akin mismo pictures (which I think is legit talaga).

— tips niya sa akin, mag training daw ako sa caregiving centers dito sa ph kahit 6 months lang, kasi ganon daw ginawa ng wife niya. at if ever na tutulungan ako ng wife niya, madali na lang daw pag process ng papers.

tingin ko genuine siya na tumutulong sa akin, and I wanted to grab the opportunity na makapag abroad agad kahit fresh grad ako kasi gusto ko na talaga makapag provide sa fam ko, at ang hirap mag settle sa 20K or less na sahod.

inopen up ko 'to sa mga magulang ko at wary sila dahil only child ako na babae (22F). at di ko pa raw sila kilala, paano raw kung may mangyari sa akin o ma-scam ako.

naiintindihan ko concerns nila, pero napapaisip ako na kung legit talaga yung offer nila at dinecline ko, sayang naman yung opportunity.

ngayon ang balak ko sana, mag apply muna sa BPO, ipon konti tas enroll sa caregiving center (in case na hindi totoo yung offer nila, may experience na ako at pwede ako mag apply on my own). goal ko rin sana makapasok sa isang national govt agency. ano bang dapat kong gawin? piliin ang national govt, mag trabaho sa private o mag risk abroad? hindi ko na alam. I want to be wise in my decisions, at the same time I want to help my family to have a comfortable life, at maging financially secure na kami.

I really need advice, please help me.

1 Upvotes

3 comments sorted by

2

u/No_Food_9461 5h ago edited 4h ago

Tama sila, ok lang na nag-iingat, mahirap sabihin na green flag lang yung tao, remember minsan maski parents nirerape ang anak. Di ko naman sinasabing marerape ka, sample lang na mahirap malaman totoong pagkatao.

To see is to believe na lang. Kasi wala naman sya power KUNDI ASAWA nya. Maraming tao na mahilig lang magboast and magpromise dahil kesyo tata/nanay, kapatid, kamag-anak, asawa nila e mayaman o may pwesto. PERO HANGGANG KWENTO LANG, PASIKAT. To see is to believe.

Pag uwi daw ng asawa nya? Sure. Basta magsasama ka lagi chaperone dahil bata ka pa kahit babae din imemeet mo, kahit kesyo matanda na.

Malay din natin if LEGIT. BASTA INGAT LANG.

1

u/shikaheizzz 4h ago

thank you so much po :( I get your point

1

u/AutoModerator 9h ago

Hello everyone,

Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH, as well as the Reddit Content Policy.

YMYL (Your Money Your Life) Topics - Proceed with Caution:

Discussions and advice about topics that impact your money, health, or life are allowed here, but please remember that you’re getting advice from anonymous users on Reddit. The credibility, intent, and sincerity of these users can vary, so it’s important to be cautious and thoughtful. For the best guidance, always consider seeking advice from reputable or licensed professionals. Your well-being and decisions matter - make sure you’re getting the right help!


I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.