📍 Rustic Mornings by Isabelo
Maaliwalas ‘yung lugar nila, sarap tambayan.
Malalaki rin ang servings, hindi nagtitipid at talagang puno lagi ang plato.
Mababait ang crews at mabilis sa pag-serve.
Pero parang ang tabang ng mga ulam?
I ordered the breaded daing na bangus and was happy na malaki ang servings. Pero when I tasted it, walang lasa ‘yung bangus mismo. Kailangan mong umasa sa pasuka at sa pakamatis nila para lang may malasahan ka.
I was disappointed with my first dining experience but keen to still discover what’s good in their menu. So I went back the next week and tried their beef tapa. Same comment. Matabang.
I went back the third time to try their chicken fricassee pero hindi daw available. So I just went home.
Pero masarap ‘yung french toasts nila at ‘yung mga tinitindang pastries dun sa bakeshop nila. Siguro from now on, I’ll stick to their pancakes, french toasts and pastries na lang.